Bakit nga ba ako absent?

Posted on at


Well, isa lang naman itong walang kwentang blog. Gusto ko lang mag-explain sa lahat kung baki ako absent last January 31, 2015 - February 1 at biglang nagdisappear ulit kahapon February 2, 2015.

Sa simula, di ko alam kung ano nga ba talaga problema dahil pag nag-oopen ako ng websites, nagloloading naman...pero sa humanatic, bitstar at bitlanders eh waley talaga. Kung saan pa ako kumikita ng datung eh sila pa ang ayaw ma-open! So ang ginawa ko, nagresearch ng nagresearch. 

Clean history, cache, cookies, at lahat na na pwdeng linisin nilinis ko na. lol Nirestart at in-on off yung PC, ginamit ko na yung isang PC (2 kasi PC sa bahay), pati yung modem pinatay ko na din at in-on ulit. Waley!

Siyempre, nagmessage agad ako sa kuya ko dahil computer techie yun. Eh ako, wala naman ako alam sa computer, bastat nagagamit, pwde na yun sakin. Wahahaha :p So nagsuggest siya ng mga dapat kong gawin. At ang ending, di siya sure pero baka daw: "MAHINA ANG INTERNET MO!!!!!!!"

Sa speedtest naman same results lang naman lagi nung di pa to nagloloko...at nung nakapasok ako bigla sa bitlandia kahapon, siyempre pinost ko ang aking hinaing dito...sino ba kasing me gustong laging eto makikita ko pag nag-open diba?

At eto nabasa ko ngayon pagbukas ko ulit na comment nila:

OH diba! Bongga, net ko talaga may problema kaya ako biglang nawala kahapon dahil yun na naman nangyari.

So ang ginawa ko, nireport ko na...di ko lang alam kung may mangyayari ba sa pagrereport ko na yun. lol

Pero sa ngayon, lulubusin ko muna habang okay pa. Pakilagay nalang ng mga ulo niyo ng madalaw ko. Hehehe ^_^



About the author

160