Fulfilled and Happy

Posted on at



Well, this day marks the start of summer vacation. lol Ang sarap sa feeling na after 10 months ng paghahatid sundo sa batang yan, BAKASYON na sa wakas!!! mehehehe


Nakakapagod din kasi talaga ang maghatid sundo sa school, pero kelangan gawin dahil responsibilidad mo yun as a parent.


Kanina(March 24, 2015), medyo busy kami ni hubby dahil nga graduation ng aking bubwit na anak. hehe... Sabi ng Principal nila, di na daw applicable yung graduation sa K2 especially sa public school. Pero hello?! Graduation parin yan para sakin dahil Kinder 2 na siya. lol


Di ko din inexpect na may ribbon siyang makukuha dahil nga ang kulit kulit niyan sa classroom nila...pero huwag ka, nabigla ako nung tinawag agad name niya ng adviser nila. lol


Oh eh di ang saya...^_^



About the author

160