Guitar

Posted on at


Gitara

mga daliring humaplos sa aking mga kuwerdas
sa aking kahon katawan nila'y dinikit
mga tagapakinig ay di pigil ang ngiti
sa mga tugtog na nilikha at awit na sinambit

barkadang tumitibay ang bukluran
di ba sa malalambing nilang awit
at sa mga hampas ng kuwerdas
nagiging lalong matimyas?

minsan ay maingay at malakas ang tugtog
masigla rin ang kanilang pag-awit
mga mata nila'y mapupungay na rin
walang patid ang awit hanggang hating-gabi man din

malumanay na mga daliring naglakbay
sa kahabaan ng aking leeg
mga kundiman at haranang tinugtog
bumalik mga alaalang kung saan ang pagibig ay inihandog

walang sawa akong patutugtog
isang libong kundiman kung kailangan
kung sana ay narito ka at nakinig
disin sana'y nalubos ang aking kilig.

◕‿◕

 



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 0
160