Hindi Porket Ano?

Posted on at


Hindi porket sinabi ng nanay ko na kumain ako ng burger,

kakain ako ng burger;

Hindi porket bumili ako ng sapatos,

may pera ako;

Hindi porket kumain ako sa Jollibee,

ayoko ng Mcdo;

Hindi porket nabulol ako,

pilipit ang dila ko!

Hindi porket nakinig ako ng Wrecking Ball,

fan ako ni Miley Cyrus.

Hindi porket nakaearphones ako,

wala akong naririnig.

Hindi porket nakapikit ako,

tulog ako.

Hindi porket tipo ko Red Hot Chili Peppers,

ayoko kay Eminem.

Hindi porket may hawak akong volleyball,

marunong akong maglaro.

Hindi porket maliit ako,

minor de edad ako.

Hindi porket nagpost ako ng picture ni Brad Pitt,

crush ko na s'ya.

Hindi porket gusto ko ng Blue,

ayoko ng Black.

Hindi porket konti lang kinain ko,

diet ako.

 

Kaya hindi porket, pipi't bingi s'ya,

wala na s'yang kakayahan.



About the author

dysentery-analyn

MANILA, Philippines

Subscribe 0
160