Kwento ni Coco ( my nephew )

Posted on at


Kagabi tumawag sa Skype si Coco , nagkwento sya sa mga kaganapan sa kanyang kaarawan . Pinakita nya sa akin ang mga natanggap nyang mga regalo . Marami syang natanggap na laruan , mga damit at pera daw . Ang saya daw nya kasi marami na syang Toys na mapaglalaruan .

Nakausap ko rin ang kapatid ko , na mommy ni Coco , sinabi nya na hindi nya alam kung kanino nangggaling ang mga regalong natanggap .. Sabi ko  " bakit ? Di ba may mga cards naman kako yon ?" Yun pala si Coco ang may kasalanan hahaha , BAKIT  si Coco ang may kasalanan ? kasi sa kalagitnaan ng kainan at ineentertain ng kapatid ko mga bisita , malamang na nung time na yan , umakyat sa 2nd floor ng bahay si Coco at hindi na nakapaghintay ang bata na buksan ang mga regalong natanggap nya .

Nakita daw ng kapatid ko na mommy ni Coco na bukas na regalo at sira na lahat mga gift wrap hahaha .. Kaya yon , hindi na nya nalaman kung kaynino galing Ang mga natanggap ... Hay , tawa ko lang kagabi , hindi na talaga nakapag hantay ang bata , hindi na nya sinabi sa mommy nya na bubuksan na nya mga gift ..

Sabi ko ang bata talaga ganyan , lalo 't excited sya sa mga regalo nya hehehe . Kinausap ko si Coco , Sabi nya sa akin "Si mommy ko kasi puro usap  sa nanay kaklase ko eh , tagal pa ni Mommy mag kwento , nainip ako " lol !!! hahaha , natawa talaga ako . Hay mainipin talaga pamangkin ko .

Sabagay sa kanya nga naman yung gift , KARAPATAN nyang buksan hehehe .. Pero nangako sya sa mommy nya na next time na mag birthday party ule sya , sasabihin na nya at magpapa alam na sya na bubuksan  nya mga gift nya. 

Yan ang kwento ng pamangkin kong si Coco . 



About the author

160