Love Ko Boots

Posted on at


Pag dating sa doll shoes, white ang lagi kong pinipili, tulad nga ng nabanggit ko noon pa. Mahilig din ako sa boots. Pero pag dating sa boots, simpleng black and brown lang at di yun maraming dekorasyon. Kumukuha din ako ng medyo mataas na heels, pero bihira ko lang sinusuot ang may mga katakot na heels. (depende sa okasyon). Masakit kasi yun sa paa, lalo na pag dito banda sa amin, na medyo matarik.

May kwento kasi about sa boots na nasa photo sa blog nito. Di na kasi ako ganun ka-active sa FB mga two years na. Nagchecheck na lang ako ng importanteng messages. Pero last year, nakaisip ako magcreate ng account na pwede ko gamitin para makaconnect sa mga friends ko na nakilala ko sa bula. Kaya ayun, ang saya saya. Hehe.

Isa ako sa mga na-tag sa photo na yan. Isang online seller ang laging nag-tatag sa akin ng items nya. Actually, di ako mahilig bumili online. Pero bago, matapos ang taon, naisipan kong ireview ang timeline ng FB ko - un FB ko sa totoong buhay. At ayan, nakita ko yan na naka-tag sa akin ilang months na. Waaah, nagusutuhan ko talaga yan. Mura pa dahil P300 lang siya. Naisipan ko siyang bilihin. Kaso nalaman ko na may nakakuha na pala ng item na yan. Kaya iyak na lang. XD

"SA PICTURE KA LANG MAGIGING AKIN"


TAGS:


About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 2023
160