May Pinaghuhugutan

Posted on at


Hehehe nabasa ko lang somewhere:

Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan. 

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin
ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang
hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan
mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,
utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo,
kundi IKAW mismo!

Minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal naten ang saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila yun. Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin, kung tayo ang nasa sitwasyon di ba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN. Pana-panahon lang yan.

Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka" kung totoo yun,patunayan nya.

 



About the author

christine-sotelo

Photographer

Subscribe 1213
160