Naka Apat(4) na Buwan na pala ako dito?

Posted on at


Diko man lang napansin na nasa apat na buwan na din pala akong nanatili sa site na eto. Minsan tumatagal ako ng anim na oras para i-tsek at magbuzz back sa mga taong nag buzz sa aking post.

Marami na ang nasa apat na buwan na nasa top post. Sayang di ko na sila mahabol. Kulang na kulang kasi ang oras ko sa pag trabaho sa site na to. Mantakin niyo mga ilang oras na lang ang nagugugol ko sa pang like at pagpost dito.

Sayang kung may sapat na oras man lang sana ako at natutukan ang pagsulat at pagshare sa site na eto ay baka sakaling nasa leaderboard na din ako.

Sa aking trabahong chat support ay pagod na ang aking kamay at mata sa pagsagot ng mga makulit na bisita sa aming website. Marami kaming hawak na website at naka screen shot din ako. Eto ang dahilan kung bakit diko maisingit minsan ang pag tsek sa site na eto.

Sa aking day off naman ay ginagawa ko din minsan ang aking mga music project o kaya'y pahinga na din ang katawan at isipan.

Sana sa mga susunod na araw ay mabigyan ko na ng mas sapat na panahon ang website na to at matuunan ng tamang pansin para naman umasenso ng konti ang aking profile.



About the author

metal-joe

Jose Godofredo Tuliao is the man behind the metal bands like Severe Metastasis, Soulcrusher, StormTroopers, Haemangioma and Andromeda Blood. Jose is the owner of the underground metal label BeyondtheGrave Records(http://www.facebook.com/beyondthegraverecords ).For some news, please visit http://www.severemetastasis.tk for any band related news and articles. I make this Bitlanders account to connect…

Subscribe 0
160