New Year Na, Tamad Pa Din Ako

Posted on at


Ang Blog Ng Isang Taong Tamad

Eto na. New year na. Kumusta naman ang new year niyo mga ka-bits? Ako keribelles. Sinalubong namin ang new year ng matahimik. As in matahimik; kasi after dinner, na-knock out agad ang dalawang cutie pies namin. Hong saya lang eh. Eto oh, may pic pa sila:

Oh diba?! Hong cute cute nila! Wag kayong magalala, hindi nagka-stiff neck si kuya cutie pie sa pwesto nyang yan at hindi din naman nadaganan ng todo ni baby girl cutie pie ang right na braso niya. Saglit lang naman kasi namin sila nilapag ng ganyan habang pineprepare higaan nila. So shempre, bilang mommy na mababaw ang kaligayahan, nung napansin ko itsura nila habang nire-ready ni hubby ang hihigaan, eh hindi ko napigilan kunan sila ng picture.

So ayun na nga, ganun katahimik ang new year namin. Balik na tayo sa title ng blog ko. Kaya ko sinabi na blog ito ng taong tamad ay dahil ngayon ko sana planong gumawa ng tutorial type blog kung paano gumawa ng separator etchos Oo, yang pareho jan sa mga green bilog bilog na nakikita mo. 

Gagawa sana ako ng tutorial tungkol jan kaso tinamad ako. Ako na. Tinamad nga din ako gumawa ng matinong separator para sa blog na ito eh. Kaya ayan. Green na bilog bilog na lang. Tutal new year nman. Swerte ang bilog, kulay green pa, parang dollars haha.

Bakit ba kasi lalong tumitindi katamaran ng tao pag holidays? Pag may pasok, andami dami kong plano for the holidays. Tapos pag nanjan na ang holidays, waley na. Gusto ko na lang makipagkulitan sa cutie pies at kay hubby at magbabad sa computer. At matulog. My gulay, ansarap matulog ng matulog pag holiday no? Makatulog na nga. Sabi ko sa yo tamad ako eh.

Pahabol:

Sa sobrang tamad ko kanina ay hindi ko ito pinost at dumerecho ng tulog. Ibang lebel na talaga ang katamaran. I-popost na nga lang hindi pa nagawa.Anyway, gising na ako ngayon. Gising na gising at tinatamad pa din. Toinks.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160