Pag-ibig ko sau Mahal ko

Posted on at


 

Pag-ibig ko sau Mahal ko

Simple lang naman ako noon, walang pakielam sa paglipas ng panahon
Ngunit nag-iba na ata ngayon, simula ng makita siya kahapon
Ako'y nabigla at natulala, nang matanaw ang maamo nyang mukha
Ako'y nabighani at napahanga, sa taglay nyang kakaibang karisma

Dahil ako ay mahiyain, di ko magawang siya ay tawagin
Upang pangalan niya ay alamin, at makilala na din
Napansin niya ata ako'y nakatingin, kaya ako ay nilapitan na rin
Una ako'y naging mahiyain, ngunit paglipas naging okay na rin

Madalas ko na siyang makasama, dahil don ay labis akong natutuwa
Lalo na pag siya'y nagpapatawa, dahil puso ko'y nagagalak talaga
Pag-ibig na nga ba ang nararamdaman, para sa kanya itong nilalaman
Nang puso ko at isipan, palaging siya ang napapanaginipan

Akala ko ay magiging masaya, ang pagtatapos nitong tula
Ngunit nagkamali ako, hindi pala, pagkat kami ay nagkahiwalay na
Mahal ko sya, yun ang tanging alam, ngunit ako ngayo'y nagdadamdam
Pagkat sa akin sya ay nagpaalam, nawala ang lalaking aking inaasamasam

Inisip kong magtapat na sa kanya, upang damdamin ko mapagtanto na
Ngunit bakit parang di ako kilala, hindi siya nagrereply sa aking padala
Marahil ako'y kinaibigan nya lang, sapagkat sa akin siya ay may kailangan
Hindi ko alintana pagkat ako'y nalinlang, nang damdaming kong nararamdaman

Gusto kong isipin na ako'y minahal din, ng taong aking mamahalin
Ngunit bakit siya'y walang damdamin, na nakalaan para lang sa akin
Masakit para sa akin ang nangyaring ito, lalo't unang pagibig ito ng puso ko
Kaya hindi mapigilan na mapaluha ako, sa tuwing siya ay naaalala ko.

 

==========x



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 0
160