A Date With Boyfie And With Future In-Laws!

Posted on at


Hahaha oo Future in-laws talaga! Self proclaimed na to bakit ba! Sa almost 5 years ng pagging in a relationship namin ni boyfie, marami rami na ring beses yung nakakalabas kami with his family pero yun eh kapag may mga event kaming dinadaluhan like yung last time, yung Installation ni sergs as Master councilor of Demolay whereas ako yung naging Chapter Sweetheart. Tapos inattendan din yun ng parents nya. Ganon kami kasupportive. Haha. Anyway back to the topic!

Kanina nga yung first time na gumala kami ng malayuan ni Sergs kasama yung parents nya. Pinagdrive pa kami ng daddy nya o diba naman. Tapos nagSM Pampanga kami, bumili kasi ng shoes si boyfie tapos yung parents naman nya bumili ng pants. Nakakatawa pa kasi pareho pa sila ng napiling pants, same color. Sa men section kasi namili ng pants yung mommy nya. And take note, hindi sila nagusap bigla nlang nung magbabayaran na magkapareho pala sila ng napiling pants! Haha ang ending, pinabalik ni mommy ni sergs yung napiling pants ni hubby nya! Wawa naman si daddy diba hahaha

After non, nagSNR kami para kumain. Libre kaya siyang siya nanaman ako! PG MODE ON. Oo ako na ang baboy. Kaen kaen walang katapusang kaen tapos hinatid na nila ko pauwi. Masaya lang kasi kapag nkakasundo mo yung mga magiging future in-laws mo kasi atleast sa future, alam mong di sila magiging problema sa relasyon nyo. Hahaha Oo part yun ng plan ko talaga na makagoodvibes sila para forever happy!

Edi ayun na nga. Ang totoo nyan wala lang akong maiblog kaya kwento to the max ako! Sorry naman! Salamat kung nakarating ka hanggang dito sa dulo ng walang kwenta kong blog! Hahaha muwow!



About the author

jie-hernandez

A petite Engineering student with big cheeks and bigger dreams!

Subscribe 3349
160