Ang Dalawa sa mga Dreams Ko Last Night

Posted on at


Kagabi medyo madami na naman akong panaginip. Yung 2 lang natatandaan ko, pero di din naman buo yung naaalala ko.

 

Yung isa ay yung nasa loob ako ng coffin. Pero grabe nakatayo naman ako at buhay. As in may butas pa yung coffin para yun ang lusutan ng mga paa ko para makatayo nga ako. Haha ano ba naman yun?

Yung isa naman ay ikakasal daw ako. Yung guy na nasa panaginip ko eh isang friend (sa real life ko) na mabait, palabiro at mahilig magpahaging. Kinausap ko na sya eh, na wag ako ang kulitin nya. We're real good friends at hanggang dun lang tingin ko sa kanya. Bakit kaya sya ang nandun? 

Ano ba naman yung mga panaginip ko? Wala pa naman ako balak magpakasal, pati ang mamatay ay wag naman muna. Hehe



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160