Ang Eksena sa Jeep

Posted on at


 Gusto ko lang ishare yung na-experience ko kahapon habang pauwi at nakasakay sa jeep.

Nung isang araw kasi, pumunta akong downtown para maghanap ng black leather shoes para gagamitin sana ng junanak ko sa graduation niya. May pinara akong jeep, di pa ako nakakasakay napansin ko na yung mag-jowa sa loob. At ng naka-upo na ako, abah matindi!

Si girl, panay punas ng baby wipes sa kamay, leeg, likod at mukha ni boy. Take note: paulit-ulit yun! Parang baby lang kung punasan. Lol!

At habang ginagawa ni girl yun, sinasabihan niya si boy na iwasan magpatuyo ng pawis (sweet tone pa yun). Anak ng tinapa talaga, haha..naririndi ako habang nakikinig kasi nasa harapan lang nila ako nakaupo.

At dito ako sobrang natatawa at naiinis at the same time. 

Girl: Bhe, sabi ni ano ganun ka daw talaga. Ung grabe makatitig pag may nakitang maganda. Taz di mo talaga pinapalampas.

Boy: Bhe kanino mo na naman narinig yan?? Promise bhe, mamatay pa ako ngayon. Hindi na talaga ako ganun (sa isip ko: woshooo, palusot! ahaha)

Girl: Eh diba nga eto din yung dahilan kung bakit tayo nag-away nung nakaraan? (sa isip ko: ayun naman pala. Deny pa more!)

Boy: Diba nga nagbago na ako? Ano ba yan, kung kani-kanino ka nagpapaniwala! (sa isip ko: bola pa, more! wahehe)

Girl: Yang issue kasing yan di mamatay matay pag di mo tinigil. 

Boy: Bhe,di na talaga. Promise. (sabay haplos-haplos sa kamay, braso, hita at tagiliran ni girl, may pabulong-bulong pa at...) (sa isip ko: HOY! BUMABA KAYO NG JEEP AT PUMUNTA KAYO SA MOTEL, DI YUNG DITO KAYO NAGLALAMPUNGAN!! Wahaha)

 

Ayun lang at pumara na ako...oo ako yung bumaba kasi nga nandun na yung jeep sa kanto malapit sa amin. lol Naku naku...feeling ko bagong mag-jowa yun. Pero kahit na ako, dapat ilugar naman sana. Buti di ko kasama anak ko. Haiisst...

 



About the author

160