Ang Pinagmulan ng Olongapo

Posted on at


Ang Pinagmulan ng Olongapo

Noong araw may mag-kasintahan na pinaghiwalay ng magulang ng
babae dahil sa malaki ang agwat ng kanilang edad, malaki ang tanda
ng lalaki kay nene. Ang pangalan ng lalaki ay si Apolinario o Apo.

Isang hapon nagkita ang magkasintahan sa palengke, sa sobrang
pagmamahal ni Nene kay Apo napilitan siyang sumama sa lalaki at
nag-sasama sila sa isang bahay malayo sa bayan at tabing dagat.

Masaya silang nagsasama at nag-tutulungan. Isang hapon may
malaking barko ng mga kastila ang dumaong malapit sa
kanilang bahay.

Habang si Nene ay naglalaba nakita siya ng mga lasing na kastila,
pinilit siyang halayin ng mga kastila, pero nakita ito ni Apo, napilitan
na lumaban si Apo, pero wala siyang magawa, hanggang sa nagulpi
siya ng mga kastila.

Sa galit ng mga kastila ay pinugot nila ang ulo ni Apo para hindi ito
pamarisan ay isinabit nila ang ulo sa kawayan at ipinakita sa mga tao,
sa takot ng mga tao tinawag nila ito ng ulo ng Apo.

Dito kinuha ang OLONGAPO.

 

◕‿◕



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 4066
160