Ang Tunay Na Drawing Skillz Ni G2

Posted on at


Bago ang lahat, wag mo na i-correct ang spelling ko sa title ng blog na itey. Skillz talaga yan with a Z, para slang ang dating. Nabasa mo naman siguro ang title ng blog na ito, so dapat alam mo na na tungkol sa pagdrawing ko ang usapan. Kung mejo regular ka na visitor ko, alam mo na mahilig ako gumawa ng mga sarili kong doodles. Hindi naman sa pagmamayabang, pero sa tingin ko naman eh cute ang mga doodles ko, in fact kahit nga ebs eh kaya kong gawing cute, like this: 

Oh di ba?! Ang cute lang eh. Mahilig talaga ako sa mga cute na bagay... at mahilig din ako sa ebs, kaya madalas eh kino-combine ko ang dalawa (checkin mo ang blog na ito kung ayaw mo maniwala: Pangalawang Blog Na Naka-Mobile) Pero hindi lang naman ebs ang kaya kong i-doodle, kung ano lang matripan ko, dinoo-doodle ko. Like this:

Oh diba ang galing ko? I know! Thank you! Haha. Pero bago lumaki ng tuluyan ang ulo ko, kailangan kong ipakita ang tunay na talent ko sa pag-drawing. Yang mga doodles ko kasi na yan, mga kabits, ginawa ko gamit ang kung ano anong editing program like photoscape and paint.net. Eh diba pag mga ganung mga program madali lang gumawa ng perfect shapes? Mga perfect na bilog, straight lines, ganun. Tapos madali lang din kulayan, gamitan lang ng "fill" na option, ayos na.  

Pero kung ipapadrawing mo ako na kamay lang ang gamit, naku, magkakabistuhan na. Ayos lang sana kung ang makakakita lang ng drawing ko ay si Cutie Pie 2 (ang 1 year old baby girl ko) lang. Wapakels naman yun kahit puro lines lang idrawing ko tuwang tuwa na yun eh. Ang problema si Cutie Pie 1 (ang 2 year old baby boy ko) nagrerequest na ng ido-drawing ko.

Nagkataon na ang cellphone ko nun eh wala pang apps pang drawing, so in-open ko na lang ang Notes na app at doon nagdrawing ng nirequest ni Cutie Pie 1 na car. Obsessed sa cars ang mokong eh. So, ano ang kinalabasan ng walang edit edit na car? Eto po:

Ayan. Ayan ang tunay na galing ko sa pagdo-drowing. Sige na, pagtawanan mo na. Huwag mo na pigilan at baka kung ano pa mangyari sa yo, ako pa at ang drawing ko ang sisihin mo. 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160