Ano ba kasi itong mga patterns ko na itey?

Posted on at


Sa mga mahilig dumalaw sa gallery ko, unang una sa lahat salamat ng marami. Oh di ba may ganun pa? Parang acceptance speech. Haha. Pangalawa, siguro mejo nagtataka kayo bakit andami kong mga patterns doon. Tulad nito:

Cute siya diba? Um-agree ka na lang kahit mejo hindi mo maintindihan ano plano ko sa mga yan. Basta yan na yun. Haha. Cute monsters yan. Bakit ko siya ginawang pattern? Well, why not? Hindi naman bawal diba? Actually frustrated kasi ako sa pag-drawing. Mahilig talaga ako mag-drawing kaso hindi ako magaling, kaya dinadaan ko na lang sa pag eetchos ng mga doodles ko gamit ang kung ano anong mga programs. 

So salamat sa technology at nalalabas ko ang artsy fartsy side ko. Kung walang mga ganyang mga software eh waley. Hanggang pangarap ko na lang gumawa ng mga ganyan. Pero siguro napaisip ka din ano pa ang silbi ng mga yan. Wala na, ganyan lang talaga siya haha. Hindi, actually pinagiisipan ko din kung san ko pa magagamit mga yan, pero sa ngayon, stay put lang sila.

Para dun sa mga hindi mahilig sa mga ganyang patterns, wag mag-alala. Hindi naman puro mga weirdo ko na mga drawing ang nandoon sa gallery. Meron din naman akong mga pictures. Kaso nga lang hindi din ako photographer, so ang ending, pati pictures na inupload ko edited din. Tulad nito:

Okay pa rin namn kahit may effect effects diba? Tamang tama din namn itsura nya para sa season. Parang white Christmas ang dating. Etchusera. Nga pala Christmas season na. Regalo ko ha? Ako namn paalam muna ako, pero bago ako umalis, ito muna, isa pang bonggels na Christmas-themed na picture para sa inyo:



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160