Any suggestion, please!

Posted on at


Isang plano na baka mauuwi sa isang "plano" lang talaga. hays! Isang plano na kakaunti ang chance na maisagawa.

 

One and a half nalang kasi gagraduate na ko. Di ko alam kung pano ko mabibili yung mga bagay na gusto kong ibigay sa mga taong tumulong sakin para makatuntong ako dito. Syempre sina mama at papa sure na may gift silang marereceive mula sakin, di ko pa nga lang alam kung ano ibibigay ko. Sila pa naman, di sila materialistic. Kaya wala talaga ako alam kung ano pwede ibigay sa kanila. Ayoko naman na pagkain or cake with dedications lang yung ibigay ko sa kanila. Hays. Suggestions please! Yung abot ng bulsa ko. haha Sa baon ko lang kasi ako kumukuha, e kung nabasa mo yung isa sa MB ko:

Ang tagal ko tengga sa bahay. San ako kukuha ng pera? Sa baon at dito sa Bitlanders lang ako kumukuha ng pera pero anong petsa na, di pa rin ako makacash-out. Pautang nga! haha de jk

 

Yung mga nakalistang pangalan sa listahan ko na bibigyan ko ng gift, baka mauwi sa wala. Next time na sila.

 

P.S Gusto ko sana customized, ano kaya maganda? Bawal na to (Gift ni kuya last year)

Simple pero medyo teary-eyed sina mama jan kasi di nila inexpect sa kuya kong napakatahimik at napakamalihim. To the point na nasa Top pala sya sa school, pero di namin alam. Mga friends nya nagsasabi.



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160