Bakit Mapait ang Ampalaya

Posted on at


Bakit Mapait ang Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng
gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim
at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra
ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa,
si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma
manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo,
siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang
kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang
kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak
siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang
katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.

Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon
ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon
ang mga gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at
laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian
na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain,
isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit
ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang
kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang
sandali ay nag iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo
at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga
ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya
at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.

◕‿◕



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 4067
160