Blog Tungkol Sa Nursery Rhymes

Posted on at


Haller ka-bits! Eto nanaman ako manggugulo. Actually may utang pa ako na blog kay PinkCat. Sabi ko kasi sa kanya gagawa ako ng blog tungkol sa stalker nya. Eh kaso gusto ko complete with illustrations yun at hindi ko pa naayos so ito na lang muna. Ang post na ito ay ginagawa ko ngayon dahil nabitin ako sa chikahan namin ni sis shekinah22. Ganyan kasi yan eh, pag kamundohan ang usapan buhay na buhay pero pag ibang topic na wala na. Hahaha. Joke lang!

Anyway, alam ko sanay kayo sa ka-pilyahan ko pero wholesome topic naman paguusapan natin ngayon. Nursery Rhymes, oh di ba! Rated G! My gulay! Pwedeng pwedeng pang primetime viewing! Eh kasi yun na nga, may dalawang cutie pies ako remember? At shempre isang taon lang ang pagitan nila, wag na nating pagusapan bakit ganun kasi nga rated G ang post na itey diba?

 

So dahil nga maliliit pa ang bulilits ko, purgang purga na ako sa nursery rhymes. Yan ang tema ditey sa bahay, walang "Thinking Out Loud" o "Blank Space" o "Du Hast" na nagaganap. Puro nursery rhymes ang tugtog. Hindi yun dahil gusto namin ni hubby na matuto sila kundi dahil sila mismo yun ang gusto. Eh di pagbigyan, di naman masama ang nursery rhymes eh, mas matatakot ako kung ang hilig eh Emperador, shabu, mga ganun. Haha.

Yun nga lang nakakasuka na ang nursery rhymes. Minsan tuloy kahit dun sa mga characters nung nursery rhymes nababadtrip ako. For example:

 

  • Itong si Jill ng Jack and Jill, may pagkainggitera no? Nakita nyang umeksena ng tumbling si Jack, kailangan sundan niya? KSP si ate?

 

  • Nacurious lang ako kung gaano na ka old si old macdonald at bakit kailangan eh may attendance check sa lahat ng kahayupan sa farm nya. Wala ba siyang ibang magawa? Nasaan ang misis niya? Mga junakis niya? Bakit hindi man lang siya tulungan icheck ang mga saksakan ng ingay na mga farm animals niya?

 

  • Naloloka ako dun sa "rub a dub dub three men in a tub". I mean, ako ay pro-LGBT, kung lalaki ka at lalaki ang gusto mo, support ako jan, kung babae ka at babae ang gusto mo, why not? Pero my gulay naman, kailangan ba talagang magsiksikan ng tatlong lalaki sa iisang tub? Anong kaguluhan yun?!

 

  • Bakit naman kasi itong si Humpty Dumpty saksakan ng attention seeker ang peg. Alam na nga niyang itlog siya aakyat akyat pa ng pader. Nakashabu lang?! Tapos hindi pa nagiingat ayan tuloy nahulog. Siguro sume-selfie siya dun sa wall at hindi niya namalayan na mahuhulog na sha. Shunga lang eh. At oo, si humpty dumpty yang paragraph separator ko. Oh di ba ang saya nya pa. Halatang papampam lang eh.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160