Bonding sa Tokyo Disneysea

Posted on at


Biyernes , April 10 , nagpunta ako Tokyo Disneysea para makipagkita sa aking Tito Zaldy at ang kanyang asawa na si Tita Jael .

Taga Davao ang napangasawa ng Tito ko kaya , don na sila nakatira . Kaya lang dito nako nanirahan sa Japan , matagal ko na silang hindi nakita . Salamat at may facebook kaya don kami nagchachat sa messenger . Syanga pala , nakababatang kapatid sya ng mommy ko .

Ang saya ng naging bonding namin sa Tokyo Disneysea kahit maiksi lang kami nagkasama don , 11 am kami nagkita pero hanggang 2 pm lang sila kasi sa Disneysea at may iba pa silang pupuntahan , may tour guide kasi sila , kaya naka plano ang mga pupuntahan .

Ilang taon kaming hindi nagkita kaya namis talaga namin ang isa't isa .. Hindi pa rin nagbago Tito ko , napaka kalog pa rin nya . Sya ang pinaka maingay lalo na nung sumakay kami sa TOWER OF TERROR . Yung bang elevator na biglang bagsak and dating hahaha ! Ingay kaya nya ! Lakas ng hiyaw nya eh !

 

Eto and ilang kuha namin sa Tokyo Disneysea .. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 



About the author

160