Bukol pa! More!

Posted on at


Oh ha! First time ko to na gagawa ng blog via mobile. Ang hirap din pala pero dapat kong kayanin.

Nakita niyo yung pic sa taas? Oo, yung batang may malaking bukol! Hahaha tinawanan ko pa talaga noh? Ang sama eh...parang di nanay. Opo, anak ko yan.

Ang siste, eh akyat baba kasi siya kahapon sa hagdan at pag-akyat niya eh nabangga daw ung noo niya sa steps nung hagdan. Di ko namalayan na lumabas na naman. Eh naglalaba ako that time while si hubby eh kararating lang galing sa sideline nya at kumakain ng hapunan.

So tinawag nlng ako ng kapitbahay at sinabing may malaking bukol ang makulit na yan. Di naman kasi siya umiyak. Ang sabi lang niya nung pinauwi ko na:

"ok lang ako ma!" sa laki ng bukol na yan ha. Okay lang daw talaga siya. Lol



About the author

160