Dear Miss Gee…

Posted on at


Ang bonggels pakinggan ng Miss Gee mga ka-bits no? I know, kaya nga in-adopt ko na nga screen name ko na yan, ang sosyal eh. Actually ang nag-start ng tawag na yan ay pasulpot sulpot na lang ditey, kaya hindi niyo na masyado nararamdaman ang kapilyohan niya pero ang bonggels eh, nasa top parati kahit pasilip silip lang, oh ha! Wag natin banggitin ang name nya para pa-suspense (pa-suspense daw eh may link naman, toinks!)

Anyway, ito ay isang fake question and answer portion na nainspire akong gawin dahil napagusapan kasi ang body hair, at shempre body hair sa isang particular area ang natripingan i-discuss. Mejo SPG na usapan itey, pero keribelles naman, for katuwaan effect lang naman ito mga ka-bits. Ang sumeryoso nito ay tutubuan ng sobrang daming karug at aabutin ang karug nila sa fez (alam nyo naman siguro meaning ng karug mga ka-bits no? Malalaki naman na kayo… Kung hindi mo talaga alam, i-google mo na lang ang “karug definition”), o sha, umpisahan na natin…

Q: Dear Miss Gee, Ano ba ang pinaka-bonggels na gawin, magshave, wax, laser o let it grow na lang?

From: Shakira

A: Teka, ano bang pinaguusapan natin, isheshave o iwawax ang ano? Haha! Joke lang, gets ko kung anong gusto mong sabihin. I-pluck mo na lang yan isa-isa para mas masaya, goodluck sa iyo.
Q: Dear Miss Gee, pwede ko bang tawagin ang buhok doon ng BB? Para mas cute? Ang sagwa kasi ng other word… you know, the 6 letter-word…

From: Maori Pam

A: Hong arte! BB! Parang blackberry lang eh! Aba bahala ka kung anong gusto mong itawag jan, kahit ano pang itawag mo jan yun pa rin naman yun eh. Kung maka-BB naman to akala mo naman kung ano pinaguusapan eh, may pa-six letter, six-letter word ka pa jan. Che!

Q: Dear Miss Gee, totoo bang naattract ang mga babae sa karug kasi it’s a sign of manliness? Yun kasi ang dahilan kaya hinahayaan kong wild and free ang karug ko. Kaso sabi ni Gracia ang sagwa daw eh…

From: Carlos Miguel

A: My gulay, kung maka-Carlos Miguel ito, feeling telenovela leading man lang eh. Pero bagay, kung ibe-base sa dami ng body hair mo, eh bagay nga sa iyo ang Carlos Miguel! Hahaha. Wag mo na lang pansinin yang panunukso ni Gracia, may pagnanasa lang yan sayo kaya ganun. Sa dami dami ba naman ng papansinin sa pic mo, yung karug pa, eh di ibig sabihin doon siya sa area na yun nakatingin, diba?!

Q: Dear Miss Gee, pwede ba akong magtanong? Pero secret lang ha? Sa ating dalawa lang ito… May problem kasi ako eh. Ang problem ko kasi, ilang araw na akong hindi makatulog. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip ng karug ni Carlos Miguel…

From: Gracia

A: Sabi ko na nga ba eh! Eh di nagka-bistuhan din, ito talagang Gracia na ito… tsktsk. Well, don’t worry, your secret is safe with me. Hinding-hindi ko yan ikukwento kahit kanino. At lalong hinding-hindi ako gagawa ng blog kung saan ilaladlad ko ang sikreto mo sa lahat ng mga ka-bits. Ako pa. 

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160