Eto na! I'm back!

Posted on at


Weee! Ang saya saya ko! Teka, relax ka lang, hindi ako nanalo sa lotto. Ito naman, ready na humingi ng balato. Eggzoited much? Haha. Mababaw akong tao no. Hindi ko kailangan manalo sa lotto para maging masaya. Although syempre kung ibibigay sa akin hindi ko din tatanggihan. Ako pa! Haller! 

So ayun, ang mga dahilan kung bakit masaya ako ngayon ay mababaw lang. Ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya ako ay dahil dumalaw ngayon si mother-in-law. Oo, masaya ako na nandito siya. Mabait kasi sya in fairness, hindi tulad nung mga mother-in-laws na cliche na nakikita sa mga sitcom at sa mga movies. Pero bagay, mabait din kasi ako na daughter-in-law. Tapos maganda, sexy at sosyal pa, oh diba? Ano pang hihilingin nya? 

Ay naku, parang every blog na lang may linya akong ganyan. Buti na lang hindi kayo nagsasawa ano? Siguro naman naaliw kayo kahit papano kasi binabasa nyo pa rin naman. Well, at least yung mga mejo masipag mag-comment. Haha. Teka, na-carried away, nanaman ang lola nyo. Ang isa pang dahilan kung bakit ako masaya ay dahil na download ko na ulit ang photoscape.

Na-mention ko kasi sa previous blog ko (ang mag-click sa link may prize... haha! hindi joke lang! baka mamaya may maniwala!) na namroblema ako dahil na-delete ang paint.net at photoscape ko. Ewan ko bakit ayaw ma-download ngayon nung paint.net pero ok lang, at least na-download ko naman na ang photoscape, so pwede na ulit akong mag-edit ng mga etchoses doodles ko. Pero hindi muna ngayon, antok na ako eh. Hindi naman siguro bawal matulog divah? Babush!

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160