Excited Much

Posted on at


Last Wednesday, kakagaling lang ng batang yan sa sakit. Salamat talaga at gumaling na dahil kahit ako nag-aalala kung makakasali ba siya sa Christmas party nila. Alam ko kasi gustong gusto niya umatend dun at maki-party kasama mga classmate niya. Pero nung Miyerkules, aba himala...biglang nawala ang lagnat niya at tuluyan siyang gumaling. 

Kinagabihan, ang tagal tagal niyang natulog. Sa tingin ko eh pasado 11pm na yun. At ng nagising ako kinabukasan, himala at gising na din siya! Haha, Eh pag regular class lang niya, lagi yan na-lelate. lels

Di naman masyadong halata na excited siya talaga. Lagi ko kasing tinatanong kung gusto niya pumunta sa party nila, at lagi niyang sagot: "Opo gustong gusto ko". At ang resulta, pati ako nag-enjoy din dahil sumali ang lola mo sa mga games na hinanda ng emcee para din sa mga parents. Haha ^_^

Oh ayan may nagawa ulit akong bagong blog. Yeheey! Isang malaking achievement to dahil hindi naman kasi ako gumagawa ng blog na Tagalog. Sa uulitin mga taga-Bitlandia. :3



About the author

160