Funny jokes ng Pinoy

Posted on at


Para maiba naman, magsheshare ako sainyo ng ilang jokes na usapan sa wikang tagalog.

USAPANG MAG - AMA

Tatay : Mag aral ka nga ron, lagi ka na Lang nakahilata dyan

Anak : Ano po ba mapapala ko?

Tatay : Tataas ang grades mo

Anak : Tapos?

Tatay : Makakapunta ka ng kolehiyo 

Anak : Tapos?

Tatay: Makakakuha ka ng maraming trabaho at yayaman ka

Anak : Tapos?

Tatay : Magkakaroon ka ng kotse at chicks

Anak : Tapos?

Tatay : Makakapagrelax ka na

Anak : Ano pa nga ba ang ginagawa ko ngayon? Sinasanay ko lang ang sarili ko! (⌒▽⌒)

★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡

EKSENA SA JEEPNEY

Ale : Mamang driver, magkano SM

Driver : Ang alam ko di binebenta yun!

Ale : Manong, Yung singil sa SM

Driver : Ahh! alam ko, free entrance (^_−)−☆

★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡

BESTFRIEND

Boy: Tandaan mo lahat ng sasabihin ko dahil importante ito 

Girl : Ok Ano ba sasabihin mo?

Boy : Mahal na mahal kita lagi mo tandaan na andito lang ako lagi sa tabi mo!

Girl : ( Kinilig )

Boy : Ano natatandaan mo ba?

Girl : Oo naman!

Boy : Good! Pakisabi sa BESTFRIEND mo yan ha ! ヾ(@⌒ー⌒@)ノ

★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡



About the author

160