Guys I Need Help

Posted on at


Kaninang umaga after ko maligo napansin ko may kumatok sa gate. Kausap na si mama. Survey daw. Tapos maya maya nagpresenta na icheck daw niya yung LPG tank namin. Pumayag naman tong si mama medyo matino din naman kasi ang itsura. May mga inexpain siya about safety sa LPG tanks. Nag demo pa. Binunot yung hose ng tanke namin at yung regulator. Sinabi grabe daw yung leak. Kinausap kami kung ilang years na ba daw namin ginagamit yung regulator at hose kasi dapat na daw talaga mapalitan. With the alarming news about sa sunog, sympre natakot kami sa safety namin. Di namin alam na ganon na pala posibleng ka dangerous yung LPG set namin.

After ng demo. Habang nasa loob kami ng kitchen nag alok na siya ng mga devices. Safety device, new hose, new regulator.

Php 4890 - LPG safety breaker

Php 900 - Hose

Wala pa yung bagong tank regulator

Php 7000 daw ang price nito sa ahente. At kung bibili daw kami ng limited promo nila ngayon, ibibigay samin sa halagang Php 3840 lahat lahat. Pinapaubos lang daw kasi ng boss nila yung 40 stocks na pinapromo sakanila Nag-ikot ikot daw sila sa subdivision namin at meron na daw yung kapitbahay namin.

Dahil natakot kami para sa safety namin at mukang matino yung tao, kinuha namin yung product. Kaso sa May 31 pa namin babayaran kasi wala pang pera si Mama onhand. Before that nagdadalawang isip kami kasi di pa namin naipaalam sa papa.

So ayun kinuha nga namin yung product kahit utang lang daw basta FIX MAY 31 namin mabayadan. Nagbigay ng resibo at yung resibo hawig dun sa blog.

Nag research pako napag alaman kong mura lang din daw ang hose at regulator at safety break at parang malabo pumalo ng 7k to 9k.

Nag research ako at nabasang kong MODUS pala ito paki basa po guys: http://karmapulis.blogspot.com/2013/04/lm-safety-distributor-sindikato.html

Edi nag-Bit nako naisipan ko mag research about sa LM safety. Yung blog na yun ang unang tumambad sa results ng Google. Nagulat ako. Ngayon hindi ko alam kung anong gagawin namin. Scam ba to? Sindikato ba sila? Dapat na ba ko mag report sa barangay at pulis? Help naman guys.

 


TAGS:


About the author

Rhanz

I simply love hanging out over the internet discovering new stuff and meeting new friends!

Instagram: @rhanzferrer
Twitter: @ranzferrer

https://friendiary.wordpress.com If you're free please visit my blog. Though I stopped writing for like 5 months. I will find time to update it. :)

Subscribe 0
160