Hay makapag blog na nga lang ulit.

Posted on at


Hay ang tagal ko na palang hindi gumagawa ng blog. Minsan kasi nakakawala ng gana gumawa kapag alam mong hindi naman madami makakabasa. Ay, ba’t ganun parang may tampong kasama? Hahaha. Hindi no, hindi ako nagpapatama. Etchos lang yan.

Kasi kung magpapatama rin lang naman ako, sa MB ko na gagawin diba? Eh bakit pa ako sa blog magpapatama eh ang makakabasa lang nun syempre yung nagbabasa ng blog, useless din kasi hindi naman yung nagbabasa ng blog ang gusto kong patamaan if ever. Ang labo lang noh?

Speaking of pagbabasa ng blog, salamat nga pala sa pagbasa nitong blog na itey ha. Kung first time mo magbasa ng blog ko, ganito lang talaga kagulo takbo ng utak ko. Pasensya na. Alam ko na hindi required magbasa ng blog pero ginawa mo pa rin. Bonggels! Ikaw na talaga… siguro bored ka no? Haha. Joke lang yun.

Pero kung bored ka talaga, eh wag itong blog na ito ang basahin mo kasi mape-pressure akong i-entertain ka. Mahirap na. Hindi pa naman ako marunong kumain ng apoy.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160