Hmm... anong klaseng decoration to...

Posted on at


Madaliang blog nanaman itey mga ka-bits. May pasok kasi ako kahit holiday eh. Ito ay isang kwentong tricycle nanaman. Don't worry, hindi ito kasing tindi nung tricycle driver na 3-in-1 ang amoy. (click mo na lang ang link kung gusto mong mabasa yun pero warning lang, wag mo munang basahin kung plano mong kumain, nakakawalang gana kasi siya, promise!)

So for this blog, ibang tricycle driver naman paguusapan natin, malamang. Hindi naman iisa ang tricycle dito sa lugar namin, haller. Actually, hindi naman yung tricycle driver ang issue. Ang issue ko ay ang decoration sa loob ng tricycle. Ito oh, pinicturan ko:

Nung nakita ko yan, mejo na-shock ako. Naisip ko, anlakas naman ng trip ng tricycle driver na ito. Sa dinami dami ng teddy bear na pwede isabit sa loob ng tricycle, yan pa talaga naisip niyang ilagay? Paano kung may bata at magtanong kung bakit ganyan itsura ng teddy bear na yan? Mejo na-werla ako sa idea eh.

Tsaka ko na-realize na ang yan pala ay teddy bear na may hawak lang na letter T. Tsk tsk, ito talagang si g2, kung ano agad ang iniisip eh. Yung inosenteng teddy bear pa napagdiskitahan, eh ako naman itong madumi ang utak na nagisip ng kung ano sa letter T na yan. Eh kasi naman mga ka-bits, mukha siyang teddy bear na may malaking ehrm... isang bagay na nagsisimula din sa letter T... diba?! Aminin mo yun din naisip mo!



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160