In Loving Memory of Salle

Posted on at


Hahaha! Natawa naman ako sa in loving memory! Parang wala na siya sa mundo! Shems, ano ba yan. Hindi mga ka-bits, ang napansin ko lang kasi hindi ko na nakikita mga spam comments ni Salle lately. Kung hindi mo kilala si Salle, isa siyang spammer sa bitlandia na mahilig magcomment ng ganito:

Tapos ang malupit pa nyan eh hindi nya totoong kinulayan ang wall mo. Oh diba, ang unggoy lang ng moves. Nahuli na nga ni grace at flowzick yan eh kaya tawang tawa ako sa comments nila diteyAng malupit pa hindi pa talaga tinantanan ni Grace at gumawa pa siya ng MB dedicated to Salle. (click on the blue etchos para makita ang dedication ni Grace kay Salle) Bilib talaga ako dito kay Grace, may "what's the matter baby" pa eh hahaha.

So ayun na nga, napansin ko na nawala na ang mga comments ni Salle pero nagulat na lang ako ng nakita ko itey sa notifs:

Oh diba! Babae ang avatar, at hindi naman sa post ni Salle yan, pero tignan nyo, si Salle ang naka-tag. Anong klaseng trip ito? Anong naisipan ng babaeng to at bakit niya sina-summon ang nananahimik na Salle? Pero malay ko ba kung obsessed lang talaga siya kay Salle. Pake ko. Deadmabelles na lang. Kaso lang ito ang sumunod:

Oh, ibang user na yan ha. Pero pareho lang siya ng ginawa kay girlet sa unang example ko. Si Salle pa din ang naka tag kahit wala namang kinalaman si Salle sa post. At eto ang weird! Meron pang iba, iba ibang tao, pero parepareho ng sinasabi, at always included si Salle:

Oh dibaaaa? Ang creepy! Ang mga likely na explanations ay nagsipag copy paste lang sila; o kaya mga referral sila ni Salle at tinuruan sila ng ganyang kabalastugan; o kaya puro si Salle din ang mga yan dahil ayon sa FAQs eh pwede naman ang multiple accounts. (Oo, nasa FAQs yan, click mo ito kung ayaw mong maniwala haha)

Pero may masayang theory ako. Sa tingin ko eh may pinaplanong spam invasion si Salle. Tapos gumawa siya ng sarili niyang kulto, at hindi ka pwedeng makapasok sa Kulto Ni Salle (KNS for short,  not to be confused with Kulangot Na Samahan na KNS din ang acronym) hanggat hindi ka nakaka 1000 spam. Pag nakapasok ka na sa secret lair nila, puro spam ang ulam. Ganito ang menu nila dun:

  • Breakfast: spam with egg
  • Lunch: sinigang na spam
  • Merienda: ginataang spam and spam halo-halo
  • Dinner: nilagang spam at may dessert pa na spam ice cream

 

Tapos luluhod ka sa altar ni Salle at sasabihin ng 100x "spamming is the key" bago pumunta sa spam meeting. Ang agenda sa meeting ay kung sino ang next target ng pang-s-spam nila. Balita ko si Grace daw eh. Hahaha. Hala ka!



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160