Isang Madaliang Explanation Blog (Kung Bakit Nawawala si GeeTwo)

Posted on at


Let me explain mga ka-bits!

Kumusta na mga ka-bits? Miss nyo na ba ang ka-pilyahan ko? Ako miss ko na makipag kulitan sa inyo. Wala eh, ganito talaga ako, kahit nung nasa bula pa, may mga panahon na sobrang acti-bibo, may mga panahon din na bigla biglang nawawala. Oo na, mushroom na kung mushroom. Pero wag kayo maniniwala sa tsismis ni Pretty Canoy (hi sis Pretty! Kumusta na kayo ni Boy Romantiko? Hihihi! Issue!) sa MB ni Krades, hindi ako nawala ditey dahil pinagpalit ko kayo kay CGP, kahit nga yung account ko dun eh napapabayaan ko din.

Ang dahilan ng pagkawala ko ay ang magaling kong part-time baby sitter. Oo, siya may kasalanan, pero sige na lang, enjoy naman ako sa bonding time with the cutie pies. Yun nga lang napapabayaan tuloy ang mga mapapagkakitaan. Pero okay na ulit ako, makakaraket na in real life ulit, hindi naman kasi kami pwede mabuhay sa pagmamahal lang no. Sabi ko nga kay hubby bilisan nya na ang pagpapayaman para kaya na namin na maging full-time housewife ako, yung tipong sasalubungin siya paguwi niya from work na apron lang ang suot. Hahaha! Taray ng fantasy!

Anyway, topak pa din ang net naming kaya hindi ko masasabi when ako ulit makakapang bulabog ng todo sa inyo. Basta pag-kaya na, mararamdaman niyo presence ko. Pramis yan. Alam nyo naman ako diba? Pag naisipan bumawi eh ang daldal-daldal ko na. Syempre gusto ko tumaas mga score nating lahat para masaya, tip nga pala, ang napansin ko ditey, hindi lang dami ng buzz ang basehan  ng pagtaas ng score, dapat madami din kumo-comment. Oh diba, explanation lang ito kung bakit ako nawawala ditto pero may libre pang tip. Ganyan ako eh. Bonggels. Kaya nga miss na miss nyo na ako eh. Haha!



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160