Kaarawan ng pamangkin kong si Coco

Posted on at


Kahapon kaarawan ng pamangkin ko . Kung nabasa nyo yung dating blog ko , SIYA rin ang tinutukoy ko ngayon , Ang pangalan Nya ay COCO ... 

Kahapon , February 19, nag 4th birthday na sya ... Bago mag birthday , SA murang edad , marunong na yang gumamit ng IPad  hehehe.. Tinawagan nya ko kamakalawa sa Line .. Kaso pag hindi nya ko nakikita sa line , sabi nya " Ay wag nandito sa Line , SKYPE  tayo , gusto kita makita eh " .. Ang cute di ba ? Pano ka ba hindi mapapamahal ng husto sa batang yan , eh napakalambing . 

Bago sya mag birthday , sabi nya sa akin , basta WAIT KITA , akala nya malapit lang ang Japan at Philippines . kaya biniro ko na sige magsusuper hero ako para lumipad hahaha. Natawa Lang Si Coco. 

Isang buwan ding pinaghandaan ang kaarawan ng pamangkin ko , hindi naman talaga magpaparty yan dapat , kaso ako na Tita nya ang nagsabi sa mommy nya na ipagparty nman ito , para ma experience ng bata.. At yon na nga , kasi Love na love ko pamangkin ko , Kaya ako ang nag sponsor bilang regalo ko narin . Nung nalaman ni Coco na magpaparty sya , talon ng talon sa tuwa ang bata eh .. Makita mo lang na ganong kasaya ang bata , napaka ligaya ko na rin .

Kahapon dumating Ang kanyang mga classmate , teacher , mga kalarong kapitbahay , syempre kasama mga nanay nila . Napuno daw Ang bahay , Kaya pati kalsada sa harap ng bahay , ginamit na at nilagyan naman ng tent , para in case na umulan may bubong na , at Syempre para na rin hindi mainitan sa araw ang mga bisita .

Nag pa cater na rin , may masasarap na foods for children at foods na rin para sa adults , may clowns din syempre , ice cream ,balloons , cakes at mga palaro para lalong exciting at masaya ang mga bata .

Tuwang tuwa si Coco nang marinig ko kagabi ang balita sa kaganapan ng kanyang kaarawan .. Sabi nya " thank you mommy babylyn ( mommy din kasi tawag nya sakin ) , I love you " ,.... Ang sarap pakinggan ng katagang yan . 

Napakasaya ko na Tita nya at naparamdam ko din na mahal na mahal ko sya .



About the author

160