Kaloka ang babaeng ito

Posted on at



Yan ay screenshot galing sa globe account kow


 


Haller mga kabits! Kumusta? Long time no see ah! Alam ko kasalanan ko yun, sorry naman! Kailangan ko pa bang mag todo todo apology speech ala Steve Harvey?!


Moving on, i-spottan niyo ang babae sa screenshot. Nakakaloka diba?! Ang saya saya niya lang eh, akala mo kakatapos lang mag-ano (ikaw na bahala kung ano yung ano na yan hahaha). OK lang sana kung siya yung ,mowdel sa homepage lang, keribelles ko pa. Gets ko na gustong ipalabas ng globe na ang paggamit ng service nila ay kasing saya ng pag-ano (again, ikaw na bahala sa ano na yan).


Kaso i-spottan niyo ang text sa ilalim niya. That's right. Siya din ang fezlak na sasalubong sa iyo kung nakalimutan mo password mo. Kaloka diba? Bagot na bagot ka na nga kasi di mo maalala password mo, sasalubingin ka pa ng babaeng hindi mabilang ang saya. Parang ang sarap tuloy magwala.


But anyway, nakapasok na rin ako sa aking account pagkatapos madiskitahan ang babaeng yan... Pagpasok ko sa account ko in fairness eh nagaya ko ang expression niya. Eh kasi naman, ito ang number na sumalubong sa akin:



OH HA!!! Ang taray ng bill ko!!! Merry Christmas ang peg ni globe kahit hindi na pasko. Hahaha. Napa-one hand in the air with matching kakatapos lang mag-ano smile tuloy ako, pareha ni mowdel girl. Apir ateng!


 


 


 


 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160