Luha

Posted on at


Luha

Bigat na aking nararamdaman, ay hindi pangkaraniwan
Sakit na parang tagos sa laman, ewan ko ba sa pagpapaliwanag ako’y nahihirapan.
Problema ko’y hindi ko kayang sabihin sa kaibigan
Dahil alam ko na ako ang may kasalanan
Takot akong mapagsabihan, sa ginawa kong kalokohan.

Sakit ay ‘di ko na kayang hawakan, kaya ito’y aking binitiwan
Bitui’y saksi sa aking kalungkutan, umiyak kasi ako sa kanilang harapan.
Ang sarap ng aking pakiramdam, kahit na wala akong pinagsabihan
Ngayon ko lang nalaman at natutohan
Luha lang pala ang katapat sa ‘di maipaliwanag na kalungkutan.

 

===========x

 

 



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 0
160