Malagyan nga ng warning/label ang blogs ko.

Posted on at


Ayan may warning na ang blog na ito. Parati ko na lalagyan ng ganyan blogs ko. Kailangan kasi eh. Yung iba naguguluhan kasi akala nila MB lang o kaya picture, so hindi nila na-c-click yung buong blog post. Keribelles naman na hindi daanan yung blogs ko. Hindi naman to sapilitan. Hindi naman to reading assignment o required reading ng teacher. Haha. Kaso minsan nadaanan nga, naguluhan naman. Honest mistake kumbaga. Sus, kung maka-honest mistake lang, akala mo pulitiko. Che. Haha, joke lang.

Pero aminin mo nangyari na din sa yo yun! Akala mo MB lang so ayun nalampasan mo ang blog na nakapagpasaya sana ng araw mo. Nakapagpasaya... may ganun? Anyway, kung nangyari na sa iyo yun, wag kang mag-alala, hindi ka nagiisa. Minsan kasi, excited tayo eh. Oo, ako rin ay nagkamali sa blog. Akala ko MB lang kaya naguluhan ako,title lang pala yun ng blog niya. Pero kahit naguluhan ako, kumoment pa din ang lola nyo.

So awkward kasi hindi tugma ang comment at ang blog post. Kaloka, spammer lang ang dating. Nahiya tuloy ako at dinelete ko na lang comment ko. Haha. Na-curious ka ba kung kaninong blog ako nagkamali? Gusto mo talaga malaman? Oh siya sige, madali naman akong kausap eh. Aaminin ko na, sa blog na ito ni Ben Ryan Lee ako namali ng comment dati. I-click mo ang link na yan kung gusto mo malaman kung san ako na-blooper. Pero hindi mo na mahahanap ang comment ko. Sabi ko nga dinelete ko na diba? Tigas ng ulo nito oh! Haha.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160