Masukista

Posted on at


Masukista



Nabanggit ko sa blog kong 20 Facts About Me na tearjerker mga trip kong movie. Gustong gusto ko yung mga tipong napapaiyak ako ng isang balde. lol Yun yung mga tumatatak talaga sakin. last na napanood ko na nagpaiyak sakin yung Hope at Don't Cry Mommy.



Di lang pala sa movies. Pati Asian dramas at novel. Kaya all time favorite ko yung J-Drama na One liter of tears. Tapos sunod yung Koizora. Kaya din favorite Author ko si Nicholas Sparks at John Green. Sila yung mga author na madalas may namamatay na karakter, lalo na si N. Sparks. Weird noh? Gustong gustong may namamatay. Haha



Pag may ni-rerecommend nga saking movie/novel, unang tanong ko kagad, "Nakakaiyak?" Pag hindi, matagal bago ko panoorin/basahin. Ewan ko. Minsan mararamdaman ko na lang na parang gusto kong manood ng movie na nakakaiyak, kaya minsan nauulit ko yung mga napanood ko na. Gaya ng Miracle in Cell No 7 at Koizora. Tapos paulit-ulit pa rin akong naiiyak. Ang masukista noh?



About the author

Mademoibelle

Kpop & K-drama fan

Subscribe 0
160