Meron naman akong tinira in fairness...

Posted on at


 



Screenshot of my avatar


Oh di ba?! In fairness. Hindi niyo naman masasabing walang saplot ang avatar ko. Meron naman siyang shades.


Atsaka just to clarify, hindi naman yan panty at bra. Yan po ay bikini. Sasali daw kasi ang avatar ko sa Miss Bitlandia. Magaling yan rumampa in fairness. Mala-Pia Wursh... Ehrm... Pia Wurscth... Uhm... Pia Wurtzbach. Ayan tama na ang spelling. Buti na lang may google. Haha.


Tulad ng sinasabi ko kanina bago ako nahirapan sa spelling ng name ni miss confidently beautiful with a heart,magaling din rumampa ang avatar ko. Pareho ng mga Miss U contestants na may pilantik and boom pa poom ang bawat galaw, kaya pag dating sa rampa ng swimsuit competition eh umaalog alog ang hinaharap. Aminin niyo napansin niyo yun (especially kayong mga lalaki hehehe). 


Diba?! Parang kasali ata sa judging criteria ang bounciness. Kaloka. Oo, sige na, mejo hypnotizing siya tignan, pero haller! Masakit kaya yun. Hindi kasi ang pagbounce bounce sa kalye ang purpose ng mga yan mga ateng... Pwede pa siguro mag bounce bounce sa... Ehrm... Tama na. Aka imbes na SPG lang ang rating ng blog na itey, maging rated R pa.


 


 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160