Mga Predictions ni Gee Two for 2015: SAGITTARIUS, CAPRICORN, AQUARIUS, VIRGO + BONUS HULA

Posted on at


Disclaimer: Ito na ang pinakalast sa aking hulaan series. Dapat obvious na sa iyo by now na joke lang ito.

Ito na! Last part na. Hong saya nung unang dalawa diba? Kung hindi mo pa nababasa ang First two parts, wag kang magalala, may link sa dulo para talaga sa yo. So tara na, hulaan na natin ano ang in store para sa last four na zodiac signs. At meron pa akong bonus. Para dun sa mga pa-bibo na kung ano ano lang ang sinagot nung tinanong ko sa MB kung ano ang zodiac signs nila.

Sagittarius:

Ikaw ang pinakaswerte ngayong taon. Ito ay dahil hindi kukupas ang ka-weirdohan mo. Oo, swerte yun. Masaya kasi maging weird. Ganun kasi ang life, habang gumaganda, mas lalong nagiging weird. Haha.

Mga sagittarius na ka-bit:

Lonie

Capricorn:

Makakatanggap ka ng regalo na make-up. Kung hindi ka gumagamit ng make-up eh reregaluhan ka pa din ng make-up. Bakit? Aba ewan ko. Yung nag-regalo ang tanungin mo! Bakit ako?!

Mga Capricorn na ka-bit:

Riza-Asuncion-Gomez, Jesther-De-VillaBabylyn-R-Ishizuka

Aquarius:

Magiging kamukha mo lalo ang lolo mo o lola mo… O kaya ang tito mo o tita mo. Pwede din ang pinsan mo. Basta kamaganak. Magtiwala ka sa akin. Totoo yan.

Mga aquarius na ka-bit:

Doodsdpogi

Virgo:

Hindi kita mahulaan,  malabo kasi ang signal. Mag-change ka na ng ISP, baka sakaling mag-improve ang signal.

Bonus hula:

Yung pinakakatago tago mong stash ng mga, ehrm, adult materials, ay mabubuking ng isang taong malapit sa iyo. Buti na lang, yun din ang trip ng taong makakadiscover so hindi nya ipagkakalat ang sikreto mo. Yun nga lang magkakaron ka na ng ka-share sa mga materials na yun.

Yan ang hula ko para sa mga taong ayaw magbigay o hindi alam ang kanilang zodiac sign, namely sila:

JikZ, Pshone-Panganiban, Krades, Betong-Pulido, Ako-Eto, Zyrrel-Mendoza

As promised, ito ang links sa ibang pang kalokohan predictions, click mo lang ang blue titles kung gusto mo basahin ang iba:

Mga Predictions ni Gee Two for 2015: ARIES, SCORPIO, CANCER, GEMINI

Mga Predictions ni Gee Two for 2015: LEO, TAURUS, LIBRA, PISCES

 

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160