Nag-iisa

Posted on at


| Photo from blogspot |

 

Di ko alam kung saan ako magsisimula
mula nang sa piling ko ikaw'y biglang nawala
hanggang ngayon sa langit akoy nakatulala
ikaw pa din ang laman ng puso't alaala.

Lamig ang kayakap sa umagang mahinahon
Sa anino mo, ako ay pilit umaahon
Magkasalo sa init, mga sandaling may ambon
Ngayon sa unan na lang ako bumubulong.


Sa aking cellphone, minu-minutong tumitingin
umaasa minsan pa sa mensaheng may lambing
Lungkot ang nakita't panghihinayang sa hangin
Larawan natin sa wallpaper parin nakatabing.

Tumingin, pinagmasdan ang aking mga palad
napangiti ako, kasiyahan walang katulad
kamay mo sa kamay ko, sinadyang magkapalad
Ngayon, butil ng luha dito na lumalapad.

Pagkabalisa 'pag sasapit ang lamig ng gabi
nag-iisa ako at hindi ka na katabi
Ngiti't tuwa ang naririnig sa bawat tabi
Ngayon, 'sang hikbi na lang aking nasasabi.

Minsan nang hindi ko matiis ang bawat sakit
Punyal ang nakita, isinugat sa puso... malapit
Bawat patak ng dugo, waring luhang may pait
Bawat sugat, lungkot ang kusang umuukit.

 

Thanks for reading :)



About the author

160