Nahulog sa Tricycle!

Posted on at


Uwian na. Inayos ko na mga gamit ko para makauwi. Ang dami kong dala kasi isa ako sa mga leader sa klase kasi ang ginawa ng teacher namin lahat ng top ten students ginawa niyang leader. Lahat ng proyekto ng grupo ako gumagawa at ang iba pinapagawa ko sa tatay ko. Hindi ako umaasa sa mga miyembro ko kasi sobra akong mahiyain nahihiya ako makipag usap sa kanila. Nasa labas na ako ng gate ng school. Nag aabang ng masakyan na tricycle.

 

Sa wakas nakasakay na din ako. Sa likuran ako naka upo at sa gitna pa. Medyo masikip at bitin ang pagkakaupo ko. Madulas pa ang slacks ko. Umandar na ang tricycle. Habang umaandar na siya para akong mahuhulog kasi nadudulas ako. Panay ayos ko ng upo. Nang nasa lugar na namin ang tricycle bigla ako nahulog. Ang sakit. Hahaha Dali dali kong pinulot ang mga nagkalat kong gamit at bumalik sa tricycle. Tinanong ako ng driver kong okay lang ako. Sabi ko okay lang. Nang nasa tapat na ng bahay namin ang tricycle bumaba na ako at hindi na ako pinabayad ng driver.

 

Kinabukasan inasar ako ng kababata ko. Masakit sa wetpu. Buti hindi ako nasugatan.

 

Isa sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan.

 

 



About the author

160