Nakakalokang blog tungkol sa mga nakakalokang comments

Posted on at


Dahil mejo matagal tagal akong mobile, na-miss ko na gumawa ng blog, movies at maglagay sa gallery. Puro MB lang kasi pwede gawin pag mobile eh. Pero dahil nakabalik na ako ngayon, meron na akong plano i-blog. Nasayahan naman ako sa sarili kong plano. Mababaw kasi ako eh.

Na-curious ka ba kung ano yung pinaplano ko? Well, kahit hindi ka curious ay sasabihin ko pa din. Hahaha. Bakit ba, blog ko to eh. Kung may reklamo ka, eh di, fine. Hindi naman bawal magreklamo eh. Gora lang teh, kung masaya ka sa pagiging nega star eh, eh di kareerin mo na! Kalurks.

Teka, sino bang inaaway ko? Sorry naman, na-carried away nanaman ako sa aning-aning mode ko. Yun ang problema dito sa blog eh, walang maximum number of characters, kung ano ano tuloy pinagsasabi ko. So, balik na tayo sa masayang plano, plano ko lang sabihin na natutuwa ako sa mga comments niyo. Yung mga nakakaloka na-comments, alam nyo na yun.

Siguro naisip mo, teka, bakit sila lang? Eh paano yung mga subscribers mo? Oh yung mga ponkan MVPs na kung makabato ng ponkan ay parang walang bukas? Uy, naapreciate ko mga yan ha. May special place din sila sa heart ko. Ay, special place daw oh, nakakakilig naman. Pero hindi tungkol dun ang blog na itey. Ang blog na itey ay dedicated sa mga commenters.

Dahil ang mga comments nila ay nakakapag-pataba ng puso ko. Kasing taba ng asawa ko. Ay joke lang yun ha. Baka mapag-awayan pa namin ang pag bi-bit ko dahil lang sa comment na yun kaya binabawi ko na. Ang hubby ko po ay kasing macho ni Gardo Versosa. Hmm, magandang ending to ng blog na to ah. Sige, tapusin ko na to para at least ang last thought mo ay si Gardo. Yummy. Haha.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160