Natuloy na din ang masasayang videos ko...

Posted on at


Yes, may number etchos na talaga! Blog number 15! I love it! Ang bongga. Haha. Oh, wag masyado matuwa jan sa number etchos, madami pa akong ganyan, magsasawa ka din jan. Hehe. Pag-usapan natin ang na-mention ko sa blog number 14. Oo, kulay blue yan dahil link yan. Just in case gusto mo din basahin yun. Kung hindi naman, ayos lang din, move on na tayo.

So anyway, nasabi ko nga dun sa blog na yun na gagawa ako ng masasayang videos. Videos na may game. Bakit may game pakana pa? Aba eh bakit hindi? Mas masaya ang games eh. Para feeling bata pa diba? Isip bata lang ang peg. Why not? Ano yung game? Well, ayoko sana maging redundant at nasulat ko na yun sa blog number 14 ko, pero dahil mabait talaga ak, eh sige na nga, i-eexplain ko na ulit. 

Ang games sa videos ko ay huhulaan mo kung ano yung picture na na-drowing ko. Pakonti-konti magrereveal kung ano yung picture. Sa pinaka-dulo ayun, lalabas na ang mahiwagang answer. Oo, may answer sa dulo, ayaw ko rin naman pasakitin ulo nyo sa kakaisip. Baka ma-stress pa kayo, eh kaya nga tayo nag bit eh para chill chill lang tapos biglang may gamitan pala ng brain power? Parang ang labo naman nun. Haha.

Natuwa naman ako kasi na-upload na sila finally. Nagkaron kasi ng forever encoding technical issue nung una. Eh di nag e-mail ako sa kanila. In fairness, ang bilis ng reply. Kaya ayun. Ayos na siya, well yung isa at least. Yung isa encoding pa din. Toinks. I-embed ko na lang here ang video. Pero may link din straight dun sa video. Para masaya. Gamit na gamit ang link etchos. Oo, pwede yang gawin. Nasa FAQs yan. Hindi naman kasi affiliate/referral link itey eh. So keribelles. Eto na:

 

 Itey ang link straight sa video: Guess the doodle (1)



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160