Natuwa kasi ako gumawa ng separator etchos...

Posted on at


Oh malamang nagtaka ka bakit may bats na lumilipad lipad ditey sa blogelya ko. Ang dahilan ay masyado akong natuwa dun sa post ko tungkol sa mga hipon. Ano? Hindi mo nabasa yun? Naku. Ang boring naman ng life mo. Haha. Joke lang, pero kung gusto mong maging less boring ang life mo, basahin mo yun. Kung tinatamad kang hanapin kung aling blog yun, oh eto, link for you, click mo lang yang blue na naka-bold. Ay bold daw oh! Bold letters ano bey. Kaw talaga.

So okay na? Nabasa mo na? Hindi mo binasa?! Anak ng... *deep breathing muna* okay fine. Kalmado na ako. Eh di wag mo na basahin. Che. Haha. Tampo daw oh. Anyway, move on na tayo. Dun kasi sa blog na yun na tungkol sa hipon may ginawa akong paragraph separator. Paragraph separator na hipon syempre para match dun sa pinagsasabi ko doon. Ano ang paragraph separator? Eh di yung tulad ng mga bats na yan. Panggulo in between ng bawat paragraphs.

Bakit ba kailangan gumawa ng ganyan? Wala lang. Masaya siya eh. Alam nyo naman ako mahilig ako sa masaya. Lahat ng masaya ginagawa ko yan. Kakagawa ng masaya eh dalawa agad anak ko in two years, parang kambal lang tuloy sila. Hahaha. Masaya kasi magka-anak. Ikaw talaga... bat ba ganyan takbo ng utak mo ngayon ha? Nahahawa ka na siguro sa akin no? O siya, dito na nagtatapos ang blog na ito, baka kung saan pa mapunta ang usapang ito eh.

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160