New Year's Resolutions 2015

Posted on at


New Year's Resolution? Uso pa ba yun? Actually, paulit-ulit lang naman kasi.haha. Dalawa lang naman ang target ko last year kaso parang di naman natupad. Sigh! At ngayon, nadadagdagan na naman ng isa na sana kahit yun lang e matupad na.

Una: Umaktong naayon sa edad. Tsk. Sabi kasi nila isip-bata daw ako. Ano pa bang matured ang gagawin ko? Minsan lang daw ako magseryoso sa buhay. Puro daw kasi ako kalokohan. E masaya eh! Bakit ba? haha Tsaka TEEN pa lang naman ako. Capslock pa yan! Twenteen. lol

Pangalawa: Magbawas ng Timbang (Diet) ~ ahahaha ang hirap naman kasi mag-diet pag kaharap mo yung mga paborito mong pagkain diba? Di naman ako mataba eh! Mapayat lang sila. Tss.

 

At pangatlo na sana talaga matupad:

Yung huminto na sa pagtatrabaho si Papa. Tapos tulungan na lang nya si Mama sa tindahan.

Tutal gagraduate na ko sa April, tapos si kuya mag-CPA Board exam na (Alam kong magiging CPA sya. God will do). Edi probably, may trabaho na talaga kaming dalawa ngayong year.

 

Haay sana matupad.

Mangarap ng mataas. :)

Happy New Year. Welcome 2015.

 

 

 

 

 

 



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160