Pangungulila

Posted on at


Pangungulila


Pangungulila ang tanging nadarama
Sa tuwing napag-iisa.
Kailanman ay nais makapiling
Ang pamilya’t mahal sa buhay.

Sa bawat araw ay nagpapasalamat
Masilayan ang sikat ng araw
Na nagbibigay pag-asa sa ating buhay
Lakas sa pagtahak ng mga pagsubok.

Malayo man ang kinaroonan
Dinig pa rin ang panaghoy
Na makasama muli't tahakin
Ang buhay na mapayapa.

Buong puso’t kaluluwa
Alay sa Panginoong Maykapal
Nagpapasalamat sa gabay Nya’y hatid
Pag-asang maitaguyod at makasamang muli
Ang aking masayang pamilya

 

-_-



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 0
160