Pasyal pag Sabado

Posted on at


Mahaba pa Kasi ang viaje ,hawak ko ang  celphone ko ngayon at inisip na magsulat ng blog kahit maiksi , para walang nasasayang na oras di ba?Nakasakay ako ngayon sa aming car at nasa bandang highway na..Makulimlim pa ang panahon , hindi pa nagpapakita ang sinag ng araw.

Mula sa aming bahay , dalawang oras pa kasi ang viaje eh,nasa 20 minuto pa lang ang paglalakbay..hayy malayo pa,hindi kasi ako sanay ng walang ginagawa  o pinagkakaabalahan..kaya eto pumipindot ng mga letra sa ngayon lol! hehehe 

(⌒▽⌒)

Malapit na kami sa Narita airport ...Oopppss hindi ako uuwi Pinas ha, madadaanan lang namin ang paliparan..Pupunta kasi kami bandang Sahara.. Syempre mag stay kami at bukas na ang uwi .. Ikukwento ko nalang sainyo next time ang mangyayari sa susunod na blog para kunwari nobela hihihi.

O sya ihihinto ko muna pagsusulat, maganda kasi view sa labas, kuha muna ako ng mga litrato, sayang din, mailalagay ko pa sa Gallery diba? 

O sige mga kaibigan, hanggang dito na lamang.. Bye for now ..ヾ(@⌒ー⌒@)ノ



About the author

160