Pink plus Kitty equals Pinkitty

Posted on at


 

Sabi ng mga taong nakakakilala sakin, pag nakakakita daw sila ng Hello Kitty store, ako daw agad naaalala nila. Yay! Mukha na ba kong Hello Kitty? haha. 

Gusto ko man iwasan mangolekta ng Hello Kitty e di ko magawa. Pano ba naman kasi, ang dami nagbibigay sakin ng mga Hello Kitty Stuff kaya ayun, kina-career ko na mangolekta. Pati yung kulay na pink, ayoko na sana sya kasi parang masyado na pambata. E kaso di ko talaga maiwasan eh. Kainis! Masyado ko ring mahal ang pink. Halos lahat nga ng gamit ko kulay pink eh. Di ako bumibili ng gamit pag walang pink (except mga damit, accessories, at pagkain). Di kasi ako maputi kaya ayokong may pink sa katawan ko. Di bagay! :(

Sabi nila ang weird ko daw. Yeah! Inaamin ko yun. Pag ako kasi may nagugustuhan, di ko ginagamit lalo na pag bigay sakin. Nanghihinayang kasi ako eh. Baka lumuma o dumumi. HAHA kaya ayun nakadisplay lang yung mga gusto kong gamit. Yung iba, akala nila di ko naappreciate kasi di ko ginagamit. Ay nako! Kung alam lang nila. Pero di naman ibig sabihin na pag ginamit ko e di ko na gusto ah

May dumagdag na naman sa collection ko. PaChristmas gift sakin ng pinsan ko. Late na daw to kasi ngayon na lang ulit siya nakapunta dito sa Manila.

Ang sarap ng feeling pag naaalala ka ng mga taong di mo ineexpect na maaalala ka.

 



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 1821
160