Sa Paghatid sa Narita Airport

Posted on at


Sabado nitong nakaraang Sabado , April 11 , pabalik na muli sa Pilipinas ang Tito Zaldy at Tita Jael . Sa tour bus sila nakasakay , kami naman ay sa aming sasakyan . Bale don na kami nagkita sa airport .

Akala daw nila hindi na kami makakarating kasi nakapasok na sila sa loob at nakapila na para magpacheck - in .. Hindi nila alam na pwedeng pumasok ang maghahatid hanggang sa check in area ... Sabi ko pag ako ang nangako , tinutupad ko , napansin ko medyo namula bigla mata Tito ko ( nangilid luha nya ) kunwari na lang hindi ko nahalata eh . Alam ko masaya yan kasi hinatid o pinuntahan pa namin sila sa airport .

Sabi nya babalik ule sila kasi bitin na bitin ang 5 days na inilagi nila dito sa Japan . Nagpasalamat din sila ni Tita kasi nadagdagan ang binili nilang konting chocolate ,( ang mahal daw kasi chocolate dito ) ... Kasi isang malaking paper bag na puro laman ng ibat ibang klaseng chocolates ang inabot ko para pasalubong ko na rin  sa kanila . I - hahand carry na lang daw nila .

Pagkatapos makapag check in , nag kwentuhan pa ng konti kasi may oras pa naman , then inihatid na namin sila hanggang don sa pagpasok don sa pagcheck ng kanilang hand carry at body check .. At don na rin nag hug and kiss para mag bye for now hehe .. Si Tita Jael ang nagbalik tingin kahit malayo na , si Tito hindi na tumingin sa amin , at sumenyas pasimple si Tita Jael na umiyak pala si Tito ( ohhh !!! Cute ni Tito , pasimple pa at ayaw magpakitang sad )

 

Ibabahagi ko lang ang ilang kuha namin sa airport .. 

 

 



About the author

160