Sabi ko kasi gagawa ako ng blog ngayon (Oo, may explanation ang drawing na yan!)

Posted on at


Sabi ko kasi kanina sa microblog ko na gagawa ako ng blog. So eto na nga. Eto na siya! Yehey nagawa ko na din! Napa-smile tuloy ako. Ngiting aso. Bakit ba ngiting aso ang expression? Saan galing yun? Eh diba mas nakakaloko ang ngiting tsonggo? Parang ganito:

Oh ang dami mong tanong tungkol sa drawing ko no? Oh sya sige, sasagutin ko lahat ng katanungan tungkol jan sa drawing na yan, why not? I'm sure isa sa mga tanong dito ang pumasok sa isip mo:

 

Tanong: Sigurado kang ikaw nag-drawing nyan at hindi isang batang nakanenok ng crayola sa school?

Sagot: Ouch naman! Pero oo, ako nagdrawing nyan, nagmamadali kasi ako. Sorry naman.

 

Tanong: Tsonggo ba yan? Mukha kasing bear.

Sagot: Ikaw ha! Nakaka-dalawa ka na! Kung makainsulto to... ikaw ba si Picasso teh? Sabing tsongo yan eh!

 

Tanong: Bakit ka pa nag-bother sulatan ng username mo yung drawing mo, eh wala namang magtatangka nakawin yan? 

Sagot: Wagas ka talaga makapang-lait no? Pag ang susunod mong tanong insulto pa din hindi ko na sasagutin!

 

Tanong: Eh bakit pati ngipin nya kulay brown?

Sagot: Duh! Cavities, syempre! Nakakita ka ba ng toothbrush sa jungle?!

 

Tanong: last na na tanong, tsonggo ba talaga yan? hindi kasi ako convinced...

Sagot: RRRAWRRRR *hulk mode*

 

Ay, pasensya na, na-highblood ako sa mga tanong. Sabi ko na nga ba hindi magandang idea ang blog na to eh. 

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160