Saboga-blog Part 2

Posted on at


Hops!

Bago mo basahin ang blog na ito, tanong ko lang: nabasa mo na ba ang sabog na blog part 1 ? Kung hindi pa eh di wow. Haha. Actually wala naman talagang connection ang blog na yan at blog na ito other than pareho lang silang walang sense. Kaya ito part 2, kasi ito na ang ikalawang blog na ginawa ko lately na puro pang-gugulo lang. Pero kung gusto mong basahin yun bago nito eh hindi kita pipigilan. Sino ba naman ako para pigilan ka? (Parang lyrics ata ng kanta yun ah! Haha). Ayan na nga yung link oh i-ki-click mo na lang. 

Kung gusto mo rin pwede naman na mamaya mo na i-click. Tambay ka muna dito. Magusap muna tayo ng masinsinan. So... naka-ilan ka na ba? Wag ka na magmaang-maangan pa. Bawal ang sagot na "ilang ano po?", kung maka-po ito, parang napaka inosente, eh number lang naman isasagot mo. Pwede namang isa ang isagot mo. As in isang beses ka nag-ebs today. Haha, bakit ano bang akala mong tinatanong ko? Shempre ako kausap mo no. Babalik at babalik sa ebs ang usapan.

So ano naman ang dahilan ko ngayon sa paggawa ng sabog na blog? Meron akong dahilan actually. Ang reason ko ay nakita ko ang mga ito: 

Mga blog headers ko sana ang mga yan. Gusto ko kasi sana naka-number ng maayos ang mga blogs ko. Kaso lang dumating sa buhay ko si Hillary. Oo, si Hillary nanaman ang sisisihin ko. Eh kasi simula ng dumating si Hillary, tinatago nya ang mga blogs na hindi nya pa narereview. Ayan tuloy nagulo gulo ang numbering system ko. Eh nagawa ko na yung blog headers, so naisip ko sayang naman.

Kaya ayun, naisipan ko gagawa na lang ako ng blog tapos idi-display ko mga headers ko sa blog na yun. At yun na nga ang purpose ng blog na to, at dahil na-fill na ng blog na itey ang purpose nya ay dito na magwawakas ang pangalawang saboga-blog. Expect more saboga-blogs to come. Haha.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160