Salamat Sa Pagoda Cold Wave Lotion

Posted on at


Ayan ha, nakaspecify talaga. Hindi ito commercial ng Pagoda Cold Wave Lotion. Ni hindi ko nga alam kung binebenta pa yan eh. Feeling ko wala na kasi sino bang gustong magkaron ng shulot shulot na bangs sa panahon ngayon? Haha. Yun kasi yata ang purpose ng product na yun, emphasis on yata kasi hindi ko sure at wala akong balak gumawa ng in-depth research tungkol sa product na yan. Hahaha.

Anyway, balik na tayo sa kung bakit ako nagpapasalamat sa produkto na yan. Gumawa kasi ako ng blog the other day na Pagoda Cold Wave Lotion ang title (as usual click on the link kung gusto mong basahin), at dahil natawa ako sa topic na yun, naisipan kong gumawa ng follow up blog tungkol dun sa commercial ng product na yan na 80s na 80s ang dating kahit nung late 90s na siya pinapalabas. 

So shempre nag-google search ako para lang mahanap ang commercial na itey (click sa screenshot picture kung gusto mong mapanood ang youtube video niya):

 

Oh diba ang gulo gulo lang ng commercial. New wave amp. Sarap sapakin ng gumawa ng commercial na yan eh. Ito namang mga mowdels na ito uto-uto, actually hindi siguro totoong mowdels mga yan eh. Naglalakad lakad lang siguro mga yan sa kalye, bibili sana ng napkin sa tindahan ni aling Bebang ng bigla silang sinabihan "Oi mga bebots (oo, bebots ang tawag sa kanila haha) magcommercial tayo ng pagoda cold wave lotion!" and the rest is history.

Pero hindi na ako galit sa commercial na yan. Dahil nung ginoogle search ko ang commercial na yan eh nagulantang ako na nasa 1st page ng google search ang aking blog. Pang apat pa to be exact. Screenshot for full effect (pwede mo rin i-click yang picture na yan para mabasa yung blog na sinasabi ko, ang kulit ko talga shems):

At nilagyan ko na rin ng arrow yung images kasi top image search din yung ginamit ko na pic sa blog ko. Oh diba bonggels? Well, I doubt na madaming magsesearch ng pagoda cold wave lotion sa mga panahong ito, pero kahit na. Ang importante nasa front page pa din ako. Haha. Papansin lang eh no? 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160